May mangilan-ngilan pa rin akong napapanood sa TV at sa socmed na may mga patuloy na nag-ja-jogging at nagti-training sa ilang parke at mga kalsada sa Metro Manila sa mga nakalipas na araw.
Nababasa ko rin ito sa kanilang mga post sa Facebook, Instagram at ilan sa messenger o group chat (dahil kasama ako siuempre).
Sinasabi ng ilan na sinasabay nila ang training (serious runner) o jogging (recreational runner) sa araw ng kanilang paglabas ng bahay para mamalengke dala ang kanilang quarantine pass.
Ang masasabi ko lang lang. Mali po ang strategy na iyan. Paano kung makasagap kayo ng coronavirus disease 2019 o COVID-19?
Hindi ba’t malaking disgrasya iyan, baka iyan pa ang maging mitsa o ugat na magkaroon kayo ng pandemic outbreak. Na alam naman nating lahat na milyon na ang mayroon nito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa bansa nga natin papunta na sa 9K ang mga nagka-Covid.
Kaya sa mga kapwa ko marathoner, runner huwag po muna tayong pumalansangan para makatakbo-takbo. Malay ninyo matiyempuhan pa kayo ng ating mga militar, pulis o barangay tanod kundi kayo mahuli, masita pa.
Para na rin sa kaligtasan ng ating mga sarili, lalo na ng ating pamilya, tapusin muna natin ang paglaho ng virus bago tayo magbalik-running.
Marami namang mga paraan kahit nasa bahay lang upang makapag-practice pa rin, exercise at stretching.
Tiis-tiis lang po talaga muna tayong lahat. At pairalin natin ang disiplina sa lahat ng bagay, pati sa pagkain upang mapanatili natin ang mabuting kalusugan.
***
Kung gusto po ninyong mag-reaksiyon o may nais kayong itanong, mag-email lang po kayo sa akin sa ramilcruz2003@gmail.com o ramilcruz2003@yahoo.com.
Idalangin po nating lahat na matapos na ang COVID-19 pandemic. Mag-ingat po tayong lahat araw-araw, panatilihin pong malakas ang katawan at mabuti ang kalusugan.
Hanggang sa susunod pong linggo mga Ka-Abante TONITE.