Mga sabong star sa ‘Encuentro Big Event 5-Stag Derby 4’ — Crisostomo

May 12 team (5 entries bawat team) ang sasagupa sa “Encuentro Big Event 5-Stag Derby Part 4” na may siguradong 150 sultada sa Biyernes, Dec. 6, sa Pasay City Cockpit.

Mga sabong stars ng iba’t ibang probinsya ang kasali sa derbing handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, ani Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) President Nick Crisostomo.

Ang mga team ay kinabibilangan ng Highlander Cavite, Kapampangan, La Union, MCC, Mindoro, LGBA North, LGBA South, Quezon, Rizal, Tarlac VY, UMCGBA at UAD.

Hiwalay na premyo at tropeo ang ibibigay sa team at individual champion, pahayag ni Crisostomo.

Samantala, inilipat sa Huwebes, Dec. 5 ang “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” elims sa PCC.

Ipinaalala ni Crisostomo ang bagong iskedyul dahil sa inaasahang pagdating ng bagyong ‘Tisoy’.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)