Mga kasabong kuwentong PH 30th SEA Games 2019 muna tayo.
Alam ko naman na maraming sabungero ang sumusuporta rin sa mga atleta natin na lumalaban para sa mahal nating Pilipinas.
Kasalukuyang nangunguna tayo sa medal tally kahit ‘di pa tapos ang Day 5 ng mga kompetisyon Huwebes sa nalikom ng 59 gold medals, malakas ang tsansa nating masilo ang overall championship ng 11-nation, 12-day biennial sportsfest.
Kaya mga klasmeyt ang manok muna natin ay ang mga national athlete. Mag-cheer muna tayo sa kanila sa iba’t ibang playing venues sa Luzon, kasama ang Metro Manila.
Pero siyempre nakatutok din tayo sa mga warrior natin lalo na ‘yung mga naka-schedule sa sasalihang derby. Mas marami pa sana tayong gold kung counted ‘yung mga ginto na nakuha natin sa chess, pero demo pa lang kasi kaya ‘di pa kasali sa bilangan.
***
Nakakalungkot naman na maraming farm ang naperwisyo ng bagyong Tisoy.
Maraming nasira at maraming namatay na mga manok. ‘Yung iba nabagsakan ng puno, pero mabuti na lang dahil walang naaksidente sa mga kakilala kong breeder at handler.
Ingat po tayo lagi, pati SEA Games naperwisyo rin ni ‘Tisoy’ maraming kinansela laro.
***
Good Luck po sa mga nakapasok sa finals ng Digmaan.