Dekada 90 kuminang nang todo ang legend na si Michael Jordan sa National Basketball Association (NBA).
Hindi lang si Earvin ‘Magic’ Johnson ng Los Angeles Lakers at ibang star player ang mga tinabunan noon ni Jordan nang unang magkampeon ang Chicago Bulls sa 1991 NBA season.
Pumatok sa basketball fans at players ang sapatos niyang Air Jordan 6, halos nawala sa sirkulasyon ang mga sikat na tatak ng sapatos noon na Adidas at Converse.
“Michael actually started influencing more design power over the process, and I was cool with that,” pagsisiwalat ni longtime designer Tinker Hatfield.
“He started feeling like his signature look shouldn’t have a [toe] tip. He was wearing dress shoes at the time that had a cleaner toe and a molded toe.”
Kahit may kamahalan ang Air Jordan 6 sa Pilipinas, dinumog pa rin sa merkado ng mga cage fan ang sapatos pagkatapos talunin ng Bulls ang Lakers noon sa 1991 NBA Finals.
Kaya kasamang namayagpag sa anim na championship ni Jordan ang kanyang sapatos.
“We always say that if some things are similar from one year to the next, there should always be something that’s radically different,” panapos na saad ni Hatfield.
Bawat championship iba-ibang disenyo ng ‘Air Jordan’ ng NBA GOAT. (Elech Dawa)