Mga SEA Games gold medalist may award sa PSA

Mga SEA Games gold medalist may award sa PSA

Kikinang uli sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang mga gold medalist ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ilan sa mga bumida sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest na humakot ng 149 gold para sa bansa ay sina world champions Carlos Yulo ng gymnastics at Nesthy Petecio ng boxing, at si 2016 Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz.

Dahil sa matagumpay na kampanya ng Team Philippines, gagawaran sila at iba pang mga kasama ng Athlete of the Year award sa event na mga handog ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine at AirAsia.

Bukod sa SEA Games gold winners – 139 kasama ang mga nagwagi ng isa o dalawa o higit pang gold – paparangalan din ang 18 personalities at entities sa event ng country’s oldest media organizations para sa kanilang achievements at suporta sa Phi­lippine sports.

Kasama sa listahan sina boxer­s Eumir Marcial, Josie Gabuco, at Pedro Taduran, undefeated UAAP men’s basketball champion Ateneo at NCAA counterpart Letran, Jones Cup winner Mighty Sports, bowler Merwin Tan, mixed martial arts star Joshua Pacio, fencer Samantha Kyle Catantan, chess Grandmaster John Paul Gomez, darts player Lourence Ilagan, at Estafano Rivera ng motorsports.

Gayundin sina Congressman Michael ‘Mikee’ Romero, ang Philippine Obstacle Sports Federation, Go for Gold, Standard Insurance, Amelie Hotel, at MVP Sports Foundation para kumpletuhin ang lisatahan ng PSA citations.

Ihahayag pa ang MILO Junior Athletes of the Year, Chooks-To-Go Fan Favorite, at Tony Siddayao awards.

Magkakaroon rin ng posthumous recognition para sa mga sports personality na pumanaw noong 2019. (Janiel Abby Toralba)