Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nakapasok na ang international name typhoon ‘Kammuri’ sa Philippine Area of Responsibility (PAR), nitong alas-4:00 nang hapon Sabado at ito ay pinangalanang Bagyong ‘Tisoy’

Batay sa huling weather bulleting bandang alas-5:00 nang hapon (November 30), ang bagyong ‘Tisoy’ ay namataan sa la­yong 1,165 kilometers silangangang bahagi ng Virac, Catanduanes at gumagalaw ang 15 kilometro kada oras pakanluran kanluran-timog kanluran.

Napanatili ni ‘Tisoy’ ang lakas ng hanging na 150 km/h at bugso pataas ng to 185 km/h na inaasahang magla-landfall sa Bicol sa pagitan ng Lunes (December 2) nang hapon at Martes nang umaga (December 3).

Sa Lunes (December2), makararanas ng manaka-naka hanggang malakas na pag-ulan ang Bicol Region, Samar provinces at Biliran. Habang katamtaman naman at panaka-nakang malakas nag pag-ulan sa Romblon, Marinduque at Quezon.

Habang sa Martes, (December 3), makararanas naman ng madalas at patuloy na malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan. At ‘moderate to occasional heavy rains’ sa ibang bahagi ng Luzon.

Itinaas na ang Signal No. 1 sa Eastern part ng Northern Samar sa mga lugar ng Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, at Las Navas, dahil sa loob ng 3 oras ay makararanas na ang mga residente dito ng hanging na 30 km/h to 60 km/h.

Bukod sa napakalakas na hangin ay makararanas rin ang mga residente sa mga nabanggit na lugar ng malalakas na pag-ulan at pagbaha, landslides, partikular ang mga malalapit sa mga ilog, mababa at bulubunduking lugar.

Mananalasa din ang naturang bagyo sa ilang mga lugar na pagdarausan ng 2019 Southeast Asian Games, gayuman ay nakipagkoordinasyon na umano ang Pagasa sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee para sa weather updates.

Batay sa report ng Pagasa, babahain ang Northern Samar, partikular ang Catarman Bugko, Pambujan, Catubig, Palapag, Mawo at Gamay, habang sa Samar ay aapaw din ang mga ilog sa Basey, Silaga, Calbiga at Jibatan. (Dolly Cabreza/Tina Mendoza)