WEHHHHH: Ngayong araw na ito ang huling araw na sukatan ng theater owners bago i-pull out ang mga pelikulang ­kasali sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na mahina sa box-office.

Base sa pagtatanong namin sa mga ­takilyera at contact sa mga insider, topgrosser ang 100 Tula Para Kay Stella nina Bela Padilla at JC Santos.

Maayos ang dami ng audience sa Patay Na Si Hesus ni Jaclyn Jose, at AWOL ni Gerald Anderson.

‘Yung iba, malamang na ii-slide at ipa-partner sa films na malalakas na hihila sa kanila.
May tunay na pangambang maalis na sila sa sinehan.

Nasaan na ang audience na naghahanap ng magagandang panoorin?

Akala ng iba, dahil kumita ang Kita Kita ay mas may pag-asa nang pumasa sa panlasa ng moviegoers ang mas ‘kakaibang’ pelikula.

Bukas, kapag nakinig kayo at ­nasagot ninyo ang mga tanong sa aming radyo ­program na LEVEL UP: Showbiz ­Saturdate (7:30-10:00 PM Tele/Radyo ­Inquirer 990khz AM) kasama ang guest na tagapangulo ng Film Development Council of the Philippines, ipapasagot natin ang mga tanong ng bayan.

Nasaan ang dapat nag-LEVEL UP na ring Pinoy film audience?