Kinumpirma ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na guilty rin sa insertion sa national budget ang mga senador.
“Even the Senate is guilty of you know, inserting so much because sa findings namin, initial analysis, may province na nakakuha ng 2.7, may 3.2, may 2.3, ang lalaki. So ‘yan kasama sa pag-uusapan. Paano mo ija-justify ‘yan, one province alone, province ng senador, maski wala siyang district, makakakuha ng 2.7B? If he or she can explain successfully and convincingly, adopt natin as institutional amendments,” saad ni Lacson.
“Sa nakita namin flood control, multipurpose, anong klaseng institution ‘yan?” dagdag pa ng senador.
Iginiit ni Lacson na kongresista man o senador kailangan dipensahan nito ang mga amendment na ipinasok sa national budget.
“Hindi pa malinaw ‘yan. Kaya ide-define natin ano ang definition ng institutional amendments. Sa akin klaro. As far as I’m concerned klaro sa akin ano individual amendments, ano institutional,” giit ni Lacson.