Mga sikat na sultador nasa ‘Lucas’ – Picazo

Mga sabungero inimbitahan sa nalalabing derby elims

Mga dekalibreng sultador ang magtatagpo sa Pasay City Cockpit para sa pagbubukas ng 2020 cock season ngayon sa paglarga ng Lucas 4-Cock Derby.

Kasali rito ang mga piling miyembro ng National Cockers Alliance (NCA), Laguna Gamefowl Breeders Association (LAGBA) at Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA).

Nakasuporta ang Sagupaan Superfeeds at ang Complexor 3000 sa pasabong na ito ng Lucas group at ni PCC llamador Jerald Picazo.

Ihahatag din ang Erica and Friends 4-Cock Derby sa Enero 17 at Ace and Elbie 4-Cock Derby sa January 24.

Gayundin ang LGBA 2020 Cocker of the Year race opening P1M seven-cock derby sa February 14, 21 at 28 na may format na 3-cock elims at 4-cock finals.

May mga detalye pang makukuha kina Eica sa 0945 4917 474, at Ace sa 0939-4724 206, 8843 1746 at 816-6750. (Enjel Manato)