Mga siklista ng GFG rarampa sa LBC Ronda Pilipinas

Masusubukan ang astig ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa February 23 sa Sorsogon at matatapos sa March 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Ikakasa ng GFG ang mga batang siklista na lalaban sa mga beteranong rider mula sa mga tigasing teams kagaya ng Standard Insurance Navy at 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

Titimunan ang GFG ni skipper at veteran cyclist Ronnel Hualda kasama ang mga batang kakampi na sina Daniel Ven Carino, Jonel Carcueva, Isamel Grospe, Jr., Jericho Jay Lucero, Marc Ryan Lago, Ronnilan Quita at Rex Luis Krog.

Hatid ang 10-stage race ng LBC at mga susuportahan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX/SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (Elech Dawa)