Naglagay na ng mga installation area para sa RFID stickers ang San Miguel Corp. para maging cashless na ang pagbayad sa mga tollways nito.
Ayon sa SMC, libre ang paglalagay ng RFID at kailangan lamang ng minimum load na P200. Kung sa Skyway, isang biyahe lang ito mula Magallanes hanggang Alabang dahil P165 iyon para sa mga kotse o class 1 vehicles at aabutin na ito ng P330 kung balikan.
Sabi ni SMC president and chief operating officer Ramon S. Ang , libre ang pagkabit ng RFID sa public utility vehicles at sa lahat ng dadaan sa Skyway, NAIA Expressway, South Luzon Expressway, Southern Tagalog Arterial Road, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.