Mga SoKor celebrity tumulong sa apektado ng COVID-19

Maaaring ang bansang South Korea ang isa sa pinaka-apektado ngayon ng sakit na coronavirus o covid-19. Halos araw-araw ay nadaragdagan ang kumpirmadong apektado nito.

Pero ang nakakatuwa pa rin sa gitna ng ganitong viral outbreak ay ang mga South Korean celebrities, Nagsi-share sila ng abot ng makakaya nila. Ito’y para sa mga kababayan nilang apektado. Tumutulong din silang ma-prevent ang paglaganap nito.

Simula kahapon ay 43 billion KRW (Korean Won) na ang natatanggap na donation mula sa mga SoKor celebrities at ilang kompanya.

Nag-donate ng 5,000 masks sina Hon Jin Young at ang H1GHRMUSIC. 10,000 masks naman sina Ham So Won at ang Super Junior.

Ang retail store na Uniqlo ng 15,000 at ang Heineken Brewing ng 20,000 masks at 2,200 hand santizer.

Sina Lee Si Eon at Kim So Hyun ay tig- 1 million won. Sina Park Sung Kwang, ang mga member ng Red Velvet na sina Joy, Seulgi at Yeri. Gayundin si Kim Eana ay tig- 10 million won.

20 million won naman sina Chungha, Jang Yoon Jung, Soyou at 19.94 million KRW si Yang Joon II.

Ang mga idols na sina Zico, TVXQ’s Yunho ng 30 million KRW. Tig- 50 million KRW sina MC King Sung Joo, Apink’s Son Naeun, Nam Joo Hyuk at Kang Daniel.

Tumatangiting na 100 million KRW naman ang idinonate nina Lee Jong Suk, Kim Jong Kook, Yeom Jung Ah, Choi Soo Jong & Ha Hee Ra, Yoona, Song Kang Ho, Seol Kyung Gyu & Song Yoon Ah, Wendy, Park Seo Joon, Kwon Sang Woo & Son Tae Young, BTS’ Suga, Red Velvet’s Irene, Son Ye Jin, Bae Suzy at Lee Seung Gi.

Gayundin ang mga kompanya tulad ng production ng Crash Landing on You at ang Hook Entertainment na agency ni Lee Seung Gi ng 100 million KRW. Ang SM Entertainment at Hyosung Group ay 500 million KRW. Ang CJ Group at Mercedes Benz ay tig- 1 billion KRW , ang Nexon ay 2 billion KRW, LG Group ay5 billion KRW at ang Samsung ng 30 billion KRW.

Sana nga ay unti-unti nang masugpo ang paglaganap ng kinatatakutang sakit ngayon sa buong mundo.