Ito ba ang KULTURA ng mga kabataan ngayon?
Ito ba ang epekto ng social media at makabagong
TEKNOLOHIYA sa makabagong panahon?

SA pahina ni Direk Zig Dulay at sa kaibigan kong professor, tampok ang video kung saan makikitang ilang girl tweens sa loob ng Pinoy Big Brother ay pinaglalaruan at pinagtatawanan ang tila isang piece of clothing na parang sexy under garment.

Ang may ari pala nito ay si Rita Gaviola, ang beautiful Badjao Girl.

Obviously, nairita si Rita. Kasi, ginawang katatawanan at pinakialaman ang kanyang gamit.

Ang tween girls, agaran namang nag-apologize sa dalaga na tila salat sa sinseridad.

Si Congressman Joey Salceda, may mahabang aria tungkol dito. He even summoned the MTRCB to look into the matter, kasi nga, the Badjao girl is being ‘bullied.’

Mas colorful ang reaction shot ni kaibigang professor, “Mga sosyalerang pechay, may pinag-aralan, pero ang mga ugali, masahol pa sa taong walang pinag-aralan.

“Sa tingin ko, itong mga PECHAY NA ITO sa bahay ni kuyang ay hindi galing sa mga public school.

“Mukhang galing sila sa mga exclusive school na ang tuition fees ay makakabuhay na ng sampung pamilya sa loob ng isang taon PERO — PERRO — [aso] bakit sila ganoon?

“Saang anggulo kukunin ang pinaghugutan ng mga pechay na ito?”

Tatlong dahilan ang inilahad ni professor.

“UNA: sa school na pinag-aralan nila, ‘yun baga ang itinuro ng kanilang eskwelahan sa kanila na makialam sa gamit ng may gamit at pagtawanan?

“Magandang school ‘yan. We need more of that. What a waste. Sa palagay ko, hindi naman.

“PANGALAWA: turo ba ng mga magulang ito sa kanila? Sa palagay ko, hindi naman.

“Dahil mahirap o mayaman, ang mga magulang, laging tama ang itinuturo sa kanilang mga anak.

“PANGATLO: ito na baga ang kultura ng mga kabataan ngayon? Ito na baga ang epekto ng social media at ma­kabagong teknolohiya sa makabagong panahon?

“O may kultura pa baga ang mga batang ito? Naturuan kaya sila ng GMRC sa school?

“Umiinit ang dugo ko sa mga pechay na ito. Lalo na, ang biktima nila ay isang hamak na produkto ng social media.”

Patuloy na aria, “Umayos kayo, mga pechay! Napapanood kayo sa buong bansa, at baka maging sa buong mundo.

“Ganyan ang pag-uugali ninyo! Liability kayo sa pag-uugali ng nakararaming Filipina sa ating bansa.

“Mag-alisan na kayo sa Bahay ni Kuya. YOU DON’T DESERVE TO BE THERE.”

Pagtatapos nito, “Kapag isa sa mga pechay na ito ang nanalo, maliban sa batang binastos nila at hindi iginalang, kredibilidad na ng PBB ang nakataya rito at ang sinasabing PULSO NG BAYAN.”

Balita ko, the MTRCB will investigate the matter. Pero sapat na ba ang im­bestigasyon?

Hindi ba ang dramarama dati, pag-aaralin si Rita at ang magbibigay ng scho­larship nito ay si Ms. Charo Santos-Concio? Anong nangyari roon? Mas may aral ba siyang makukuha sa Bahay ni Kuya kesa sa tunay na paaralan?

Ilang luha pa ba ang dapat iluha ni Rita para maging totoo ang kanyang mga pangarap?

14 Responses

  1. Maraming ganyan sa exclusive school. Ginanyan ako nung high school. Mga mayayamang spoiled brats, hatid sundo ng kotse, hatid ng bagong lutong pagkain ng mga yaya, mainit pa nasa hot/cold containers, kuntodo me mga table cloth pa dun sa canteen table etc sosyal talaga pero mambubully. Pinaaalis yung mga me mga lunch box at exclusive sa kanila yung table eh for public use yun. Isumbong mo sa madre cacao, ikaw pa ang pagsabihan to go out and look for other tables. Nakakainis, tolerated kasi ng mga madre na me mga donations pag me charitable campaigns. Obvious kaya ang exclusive schools, tahanan ng mga bullies, bastos & super yabang na pasikatan ng mga gadgets, sapatos, handbags and mind you hatid sundo ng number vehicles like number 8 plaka ng kotse (marami sila). Me artista kuno na nag-aral, bully din nila kasi she does not belong to their rank, mababa ang tingin sa artista.

  2. Akoy biktima rin ng bullying noong araw pero ngayong nagkaedad na, pinagtawanan ko na lang yung karanasan na yun. Nagpasalamat pa nga ako na yun ang nagpatibay sa loob ko para malagpasan ang mga hamon sa buhay. Huwag paapekto, normal na yan sa mundo ngayon

    1. NORMAL??! O na – immune ka na lang sa dami ng nag bu bully sayo??! no wonder ganyan nga attitude mo.. pero hindi lahat katulad mo AGUA OXINADA…. malambot ang puso nila eh sayo nakasemento na…

  3. BINUBUGBOG nila ng husto si BADJAO GIRL kawawa naman! ganyan naman ang ABIAS-CBN na yan! napakamanggagamit.. si CHAROT SANTOS, ang ganda ng lumalabas sa bunganga pag MMK pero asan ang mga hinahanash nyang value, respeto atbp??!! bakit nya hinahayaan ang ganitong sistema! LAHAT YAN DAHIL sa PERA!!! KAWAWANG RITA!!!!!!!!!

    1. Bakit mo naman sisihin ang abs, sa anong dahilan? Hindi scripted ang nangyayari sa loob. Kusang loob siyang pumasok, dapat handa siya sa ano mang mangyayari. Sigurado naman me kakampi siya. Esep esep naman, huwag bash ng bash

    2. Wag kang ganyan ate, alam ko na maka GMA ka> Tandaan mo maraming nabigyan ng trabaho ang ABS..bakit ano ang gusto ninyo ipasara ang Network na iyan? masyado ka namang madrama at nilalahat mo. Siguro dati kang nag apply bilang janitress doon ano kaya lang hindi ka nakuha. Sige good luck sa trabaho mo sa GMA.

      1. Ke ano pang network, dapat me rules and regulations na bawal ang mga bullying and panlalait sa kapwa. Ikaw kaya ang mabully at pagtulungan, di ka umiyak. Eh ang bata bata nung si Rita at kasi Badjao nga, nasa minority levels, laitin mo at pagtawanan ang gamit mo tingnan ko kung karipas ka ng takbo palabas, nasabi mo lang yan dahil di ikaw ang affected.