Mga sports worker nakalimutan sa ECQ

Humihiling din ng tulong sa pamahalaan ang iba’t-ibang laro sa komunidad ng sports na nakalimutan ang kapakanan at kabuhayan sa harap nang pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sapul pa noong Marso 17

“Wish to our government they will give attention to our sports sector which is the coaches, trainers, referee’s and instructors assistance program,” bulalas ni national volleyball referee Vanni Vargas, ang namumuno sa isang malaking samahan ng mga grupo na nag-oorganisa ng iba’t-ibang sports event sa kapuluan.

Napilitang isiwalat ni Vargas kasama ang iba pang kapwa sports technical officials dahil na rin sa matinding epekto sa kanilang mga pamilya ang pinatupad na ECQ na dulot ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Pinatigil at pinakansela ng gobyerno ang lahat ng malalaking torneo at mga nakatakdang event mula noong Marso at walang katiyakan kung kailan papayagang makabalik, naging kawalan sa hanapbuhay mga kawani ng bawat liga at event.

Ilan sa nawalan ng kita ang mga coach, trainer, instructor, table official, technical official, ball boy, pulot boy, coaching staff, team staff at iba na hindi naman nakasaad sa para makatanggap ng tulong mula sa iba’t-ibang programa ng pamahalaan.

Ilan sa nasagasaan ang ng quarantine ang Philippine Basketball Association (PBA), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL), Premier Volleyball League (PVL), National Collegiate Athletic Association (NCAA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at iba pa.

Gayundin ang mga palaro ng Philippine Sports Commission (PSC) gaya ng Philippine National Games, Batang Pinoy-Phippine National Youth Games, Childrens Games, Play and Learn Sports for Free, at Women Sports Festival. (Lito Oredo)