Para hindi mapagod sa pagsasampa ng kaso, mas mabu­ting ipakain na lang ang shabu sa mga drug suspect sa halip na arestuhin ang mga ito.

Sinabi ni Pangulong Rod­rigo Duterte na nakakapagod ang magsampa ng kaso sa mga sangkot sa iligal na droga dahil ang iba ay nakakalabas at babalik na naman sa bisyo.

Pero kung ipakain aniya ang mga drogang makumpiska sa isang suspek ay tiyak na titigil na ang mga ito.

“Maybe I will make you eat all the shabu and skip the arrests. Dealing with court cases is especially tiresome. So it’s better if you will just eat it. I will make you eat a whole llate of shabu. I will really really do that so you will stop doing it,” anang Pangulo.

Iginiit ng Presidente na hanggat hindi nalulutas ang problema sa iligal na droga sa bansa ay magtutuloy-tuloy ang war on drugs.

Ikinuwento pa ni Pangulong Duterte na may pinakain siya ng marijuana matapos mahuli ng mga awtoridad at naospital subalit makalipas ang apat na araw ay namatay ito.

“Back then I made someone eat marijuana. I made him eat all of it. He was hospitalized,after four days he died,” kuwento ng Pangulo.