Naghatid ng magandang mensahe sina Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez at commissioner Ramon Fernandez sa awarding ng Futsal Clinic and Tournament sa S.I.R. Phase 2 covered court sa Davao City nitong Sabado.

Hinayag ni Fernandez sa welcome message sa mga bata na ipagpatuloy ang paglalaro sa nasabing sport pero huwag kalimutan ang mag-aral nang mabuti.

Sinang-ayunan ni Ramirez ang sinabi ni Fernandez at ayon sa kanya ay mahalaga ang edukasyon para matupad ang mga pangarap at makaahon sa kahirapan.

“You want to become an outstanding athlete or become popular, it’s not free. You have to sacrifice to train; you don’t need to be a son or daughter of the rich. Even if you’re poor, as my parents were also poor, as long you eat, sleep, study, read and listen. Hard work is the secret of success. A lazy child has no place in the ladder of success,” giit ni Ramirez.

Sina Fernadez at Davao City Councilor Mabel Sunga Acosta ang nag-award ng mga medalya sa mga champion team S.I.R. 1 (boys under-10), Doña Pilar (boys under-12) at S.I.R Cute (girls under-12), S.I.R. Boys (mix under-eight) at S.I.R. (boys under-14).

Ayon kay Acosta, ma-laking bagay ang futsal para sa mga bata, dahil determinasyon, nagpapalakas sa mga tuhod at puso ng mga kabataan ang naibibigay ng sport. (Elech Dawa)