Wow naman, Dondon, dahil sa My Special Tatay, biglang sumikat itong si Rita Daniela.
Suwerte nga siya na nagustuhan ng viewers ‘yung team-up nila ni Ken Chan kahit hindi naman talaga siya ang leading lady ng aktor noong una sa nasabing afternoon series ng GMA 7.
Sa simula kasi, obvious na si Arra San Agustin ang pinu-push na leading lady ni Ken sa My Special Tatay, pero ang viewers na ang humatol na si Rita ang gusto nila para sa aktor.
Ang character ni Rita sa series bilang si Aubrey na kahit “pokpok” ang gusto nila for Boyet character naman ni Ken, huh!
So, dahil nga sa My Special Tatay, nagkaroon ng BoBrey love team na nga.
Kilig-kiligan nga ang fans sa BoBrey at noong Friday nga, nag-announce na ang StarMedia Entertainment ni Anna Puno na may pa-concert na sila ng GMA Music para sa dalawa.
Sa May 11 nga ay mapapanood sina Ken at Rita sa My Special Love: #BoBrey in Concert sa Music Museum.
Kahapon nga ay lumabas na ang tickets para sa nasabing concert at ang bilis daw ng bentahan.
In fairness, hindi man ipagpilitan ang isang bagay like the BoBrey love team, kung talagang ukol, bubukol!
Matapos maaksidente:
Paulo Avelino ratsada sa 3 pelikula
Magaling na pala ‘yung dislocated right shoulder ni Paulo Avelino dahil sa pag-crash niya during a motorcycle training course.
Tapos na raw ang pagte-therapy ng aktor at tuloy-tuloy na ang taping niya for The General’s Daughter.
At dahil okey na okey na nga, tatlong pelikula raw ang sisimulan ni Paulo.
May pelikula siya sa Black Sheep Productions ng ABS-CBN na si Direk Antoinette Jadaone ang hahawak, ‘yung FanGirl at may reunion naman sila ni Maja Salvador sa part two ng I’m Drunk, I Love You at ‘yung pangatlo raw ay isang international movie na hindi pa raw puwedeng i-reveal.
Maricel-Snooky rivalry nabuhay sa ‘Sahaya’, ‘The General’s Daughter’
Simula bukas ay ang Sahaya na magpa-pilot ba sa GMA Telebabad ang makakatapat ng The General’s Daughter ng ABS-CBN.
Nakakatuwa lang na dahil nasa cast ng Sahaya si Snooky at kasama naman sa series ng Dos si Maricel Soriano ay tila nabuhay ang “rivalry” noon ng dalawang Regal babies.
Excited nga ang mga fan dahil sa tapatan ng dalawang series na kasama sina Snooky at Maricel, huh!
Parang nabuhay bigla ang mga fan ng dalawang aktres.
Ay, teka! Ano na nga pala ang nangyari sa plano noon ni Direk Joel Lamangan na reunion movie nina Snooky, Maricel at Dina Bonnevie na Overage?
Kung matatandaan, hit noong 80’s ang Underage movie ng tatlo, kaya nga nagka-idea si Direk Joel na pagsamahin uli sila sa isang pelikula.
Mag-materialize pa kaya ‘yon lalo na at busy na sina Snooky at Maricel sa Sahaya at The General’ Daughter, respectively?
Ang balita ko, si Dina Bonnevie, may sisimulan na ring new series, so magiging busy na rin ang aktres.
Pero sana nga magka-reunion movie pa rin ang tatlo, huh!
Dimples Romano type sabunutan,
sampalin sa Dubai
Alam mo, Dondon, noong nasa Dubai, United Arab Emirates ako, may ilang kababayan natin doon ang nakatsikahan ko.
Ang lakas pala roon ng Kadenang Ginto ng ABS-CBN.
Marami sa avid viewers ng nasabing series ang nanonood dahil love raw nila to hate Dimples Romano.
Gustung-gusto raw nila ang pagiging kontrabida ni Dimples sa nasabing series.
“Ang galing niya!” nagkakaisang dialogue ng mga kausap ko.
Sa galing nga raw ni Dimples as kontrabida, palagi silang nakatutok sa series na ‘yon, huh!
Teka! Baka naman kapag dumalaw si Dimples sa Dubai, bigla siyang sabunutan o sampalin ng fans dahil nga sa role niya sa Kadenang Ginto, huh!