Mga tip para makatipid sa interior design ng café

Nakakagulat ang biglaang pagpanaw ni Kobe Bryant dahil sa aksidente at kasama pa sa helicopter crash ang kanyang anak na si Gianna.

Lahat ng mga kapwa ko artista sa magkabilang network, nalungkot at nag­luksa.

Kahit hindi ako basketball enthusiast the mere fact na buong mundo ay nalungkot at nagdalamhati, isang tunay na alamat at maraming tao ang na-inspire ng tinaguriang Legendary Mamba.

Anyways, medyo abala ako ngayon sa paga-asikaso nang susunod kong branch ng Hazelberry Café ko sa Alabang, sa Molito, tapat ng Alabang Town Center.

Gusto namin itong maihabol sa Va­lentine’s Day lalo’t marami ang nagnanais na magregalo ng mga cake at pastries.

Hindi namin naihabol nong nakaraang Pasko ang pagbubukas kaya naman nanghinayang kami sa dapat na kikitain.

Ang ending nangangarag kami ngayon sa paghahabol ng deadline sa pagbubukas ng branch ng Hazelberry sa Alabang.

Ang aking partner ang siyang naka-assign sa construction at ako naman ang natoka sa mga furniture pati na sa interior design.

Nagtitipid kaming dalawa ng partner ko kaya sa halip na kumontrata kami ng interior-designer, ako na ang gagawa ng trabahong ito.

Ako ang namimili para sa mga gagami­ting lightings fixture, upuan, tables at kung ano-ano pa.

Nabawasan nang konti ang stress at sakit ng ulo ko sa kagandahan ng net dahil sa Google at Pinterest makakakita ka ng mga design para sa mga café.

Hindi mo naman gagayahin kundi bibigyan ka lang idea sa kung anong design ang gusto mo sa iyong café.

Sa mga nagnanais na makatipid sa kanilang negosyong café o resto o bar, pagdating sa ayos o disenyo ng inyong establishment i-search ninyo sa google at dito ay makakakita kayo ng mga design.

Sa net rin makakakita ng mga furnitures contact kung gusto nyo ipa-costumized ang inyong lamesa at upuan.

Wala muna akong lovelife dahil mas naka-focus ako sa business.
Pero ang goal ngayong 2020 ay magkaroon ako ng lovelife, o bubuksan ko na uli ang aking puso.

Siyanga pala, manood kayo ng “Ang Probinsya­no” sa Kapamilya, nasa casts po ako.