Mga titser sa private school puwede sa contact tracing

Nanawagan si Phinma president at chief executive officer Ramon del Rosario Jr. sa pamahalaan na kunin ang mga guro na nagtuturo sa mga pribadong paaralan para sa pinaplanong pagpapalakas ng contact tracing kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay ito sa nais ng pamahalaan na gumawa umano ng dalawang milyong bagong trabaho para muling sumigla ang ekonomiya at bahagi ng plano ang mga work for pay program.

“What we’d like to appeal is to include education workers in this work for pay programs. Faculty who have been let out are an ideal group that can be recruited for contact tracing,” sabi ni Del Rosario sa pulong ng Makati Business Club (MBC) kamakailan.

Aniya, matatalino ang mga guro at magagamit ang kanilang kaalaman at karanasan sa pakikihalubilo sa mga tao sa contact tracing.

“These teachers are intelligent and they can be harnessed particularly because the suspension of classes is prolonged,” dagdag pa ni del Rosario. (Eileen Mencias)