Mga transaksyon ng nanay ni Trillanes sa gobyerno pinahahalukay ni Duterte

Kinakalkal na ang mga naging transaksyon sa gobyerno ng nanay ni Senador Antonio Trillanes IV na si Estrelita.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tahimik na nag-iimbestiga ang gobyerno sa mga pinasok na transaksyon ng ina ni Trillanes sa gobyerno noong nasa serbisyo pa ang ama nito sa Philippine Military Academy (PMA).

Tiniyak ng Pangulo na ilalabas nila ang mga dokumentong magpapatunay na sangkot sa mga go­vernment transaction si Ginang Estrelita na isang sibilyan.

“We are looking into the paper, we are investigating quietly. Yung mga deals sa panahon ng tatay niya,yung involved ang nanay. And he can be very sure na lalabas lahat yan,” anang Pangulo.
Ito aniya ang tinatawag na transactional corruption na siyang ibinibintang ng senador sa kanyang pamilya.

Patutunayan aniya ni Pangulong Duterte na ang pamilya ng senador ang tiwali sa sandaling makita ang mga dokumento.