Sa tulong ng GCash, ang nangungunang mobile wallet sa bansa, mamahagi ang pamahalaang lungsod ng Makati ng P2k financial assistance sa mahigit 8,000 mga tsuper bilang pangalawang tranche ng financial aid bunsod ng COVID -19 pandemic.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, lahat ng 8,376 na mga jeepney, tricycle at pedicab driver ay tatanggap ng P2,000 sa pamamagitan ng kanilang GCash account. Kabilang sa mga benepisyaryo ang

5,952 registered na mga tricycle driver; 598 pedicab driver at 1,826 jeepney driver na kasabi ng ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association (JODA).

Ito na ang pangalawang tranche o financial aid ng lokal na gobyerno para mabigyan ng P16.7M ayuda ang transportation sector ng lungsod. Ginamit na hakbang ang cash transfer upang matiyak ang transparency at upang maiwasan ang anumang physical transaction na delikado sa COVID-19 .

Ang unang bugso ng cash aid ay pinamahagi noong nakalipas na 3 linggo sa pamamagitan ng mano-mano na cash distribution subali’t napagtanto ng Makati na mas madali at mas mabilis ang GCash .

“Drivers who are Makatizen cardholders will receive their financial aid through their GCash e-wallets. We will also course through GCash the cash grant for our citizens who have yet to receive their

Makatizen Cards. It’s a big help for both the city and its residents not only because it’s a faster way of transferring money for everyday use, but also because it also promotes public health by avoiding

physical contact,” sabi ni Makati City Mayor Abby Binay.

Ayon sa mga health expert, mas mabilis ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng mga papel na pera dahil mas tumatagal ang virus sa mga ito ng ilang araw.Masasanay na rin umano ang mga tao sa digital fund transfer sa paiiralin na `new normal’.

Ang Makati City ang unang lungsod sa Meto Manila na nagpatupad ng `contactless financial assistance ‘ gamit ang GCash at Makatizen Card.

“We at GCash always strive to provide relevant services to our customers. Seeing our platform being used by local governments as a conduit for financial assistance to help their citizens cope with the national health crisis encourages us further to focus on creating impact to the ways of people, businesses, government institutions, and organizations especially during these very challenging times,” sabi naman ng GCashChief Technology and Operations Officer Pebbles Sy.