Isinusulong ni Senador Imee Marcos ang isang panukala na naglalayong bigyan ng pabuya ang mga mabubuting tao na tumulong sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa Senate Bill No. 1429 na inihain ni Marcos, kinikalala nito ang mga ginawa ng pribadong sektor sa pagtulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga donasyon at iba pang fundraising initiative.

Sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, nakasaad doon na pinagkakalooban ng full tax benefit ang pribadong sektor – mga kompanya at mga indibidwal – na nag-donate sa gobyerno, mga non-government organizations (NGO), mga ospital, at iba pang medical facility sa gitna ng giyera kontra COVID-19.

“This bill seeks to extend the same benefits to the ‘Good Samaritans’ in the country who have tirelessly and selflessly donated their funds, skills, products and other resources to their fellow Filipinos in times of calamity, often in spite of physical and financial losses they themselves endured,” sabi ni Marcos.

“Such acts of generosity should no longer be punished with the additional payment of donor’s tax,” dagdag pa nito.

Nakasaad din sa panukala, na sinumang indibidwal na magbibigay ng donasyon sa gobyerno, sa mga accredited hospital ng Department of Health (DOH), at iba pang medical facility at health clinic sa panahon ng kalamidad ay dapat pagkalooban ng donor’s tax exemption at income tax deduction.

Kung maisabatas ito, ipinanukala ni Marcos na gawin itong epektibo simula Enero 2020 at sa mga susunod pang mga taon. (Dindo Matining)