Tinututukan ngayon ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang lahat ng mga biyahero at mga turista na galing Taiwan ngayong nilinaw na kasama ito sa ipinaiiral na travel ban sa bansa sa gitna ng patuloy na pagkalat ng novel coronavirus.
“Pinadalhan ko ang Office of the President ng mga precautionary protocols na ginawa ng MECO para masigurong walang mabigyan ng visa ang sinuman (regardless of nationality) na bumisita sa China, HK and Macau since mid-January (21 days) as of Friday, Feb 7,” ayon kay MECO chief Lito Banayo.
Lahat ng Taiwanese na mag-aaplay ng visa ay kailangang kumuha ng entry at exit record o certification mula sa kanilang National Immigration Agency na nagpapatunay na hindi sila bumiyahe sa China, Hong Kong at Macau sa nakalipas na 21 araw.
“Failure to secure and submit the entry and exit record may result in the outright disapproval or denial of the application for visa without refund of the processing fee,” ayon pa sa MECO.