Pinalilikas ng US State Department ang mga Amerikanong nasa Iraq dahil sa tumitin­ding tensyon sa Gulf region matapos mapatay ang isang Iranian military commander sa airstrike na inutos ni US President Donald Trump.

Hinimok din ng kagawaran ang mga US ci­tizen na lumayo sa US embassy sa Iraq na sinugod ng mga pro-Iranian protester.

Inutos ni Trump ang airstrike sa Baghdad International Airport kung saan napatay si Qasem Soleimani, isang Ira­nian military comman­der, bilang “defensive action” diumano para maprotektahan ang mga US personnel na nasa ibang bansa.

Si Soleimani ang pinuno ng Islamic Revolutionary Guards Corps-Quds Force Unit ng Iran.

Kasama ring nasawi si Abu Mahdi al-Muhandis, ang deputy head ng Iraqi Popular Mobilization Forces.