Isinailalim sa administrative investigation ng pamunuan ng University of Santos Tomas (UST) ang mga estudytante gayudin ang propesor na kasali sa nabunyag na Facebook group chat na nagpapakita at nagpapakalat ng mga malalaswang picture at video ng mga babaeng estudyante kung saan ilan ay mga menor de edad mula sa iba’t ibang eskuwelahan at unibersidad sa Metro Manila.
Nagpalabas ng opisyal na pahayag ng UST Faculty of Engineering, Office of the Dean kung saan sinabi na hindi nila palalagpasin ang nasabing eskandalo.
“The UST does not condone any inappropriate condunct exhibited by students or teachers. It is committed to maintain a learning environment that develops characted, attitude, and moral values based on Catholic teaching. We are saddened by the alleged involvement of our students and a faculty member in an online misvehavior. In response, we have immediately placed the students and faculty under administrative investigation,” sabi pa sa statement.
“We commit to a fair and timely resolution on the issues, observing due process but without compromising the transformative of Thomasian Education,” ayon pa sa opisyal na pahayag.
Magugunita na ibinunyag sa Twitter ng ‘Anon Leaks’ ang mga picture kung saan ipinapakita ang group chat ng mga estudyante ng Engineering Department at isang propesor gayundin ang iba’t ibang picture ng hubad at malalaswang larawan ng mga babaeng estudyante.
Naka-folder sa Google Drive ang pangalan ng mga universidad at eskuwelahan sa buong National Capital Region at kapag ikinlik ay lalabas ang pangalan ng mga school at dito puwede nang pagpiyestahan ang mga hubad na larawan ng mga estudyante na walang kaalaman-alam na kasama ang mga pribadong larawan.