Mga volunteer doctor may kondisyon bago sumabak sa laban kontra virus

Naglatag ng mga kondisyon ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga papasok na volunteer doctor sa pamahalaan para labanan ang COVID19.

Ayon kay Dr.Benny Atienza, Presidente ng PMA ipriprisinta nila sa sunod na linggo sa Inter Agency Task Force ang mga demands ng doktor na magbo-volunteer.

Kabilang na umamo dito, ang insurance accident o death, hazard pay, ncentive, PhilHealth fees, transporation allowance at salary na pawang tax free.

Ayon kay Atienza ,wala pa silang inilagay na figure kung magkano ang higingin nilang insentive.

Gayunman,sinabi ni Atienza na sa ibang hospital ay umaabot sa P20,000 ang ibinabayad sa isang doktor sa loob ng 24 oras na duty nito.

Ang kanila umanong ilalatag na kondisyon ay upang maenganyo ang mga doktor na mag volunteer sa DOH. (Juliet de Loza-Cudia)