Mga wagi sa 3rd Istorya ng Pag-asa Filmfest, inihayag na

Itinatag ni VP Leni Robredo ang Istorya ng Pag-asa Filmfest dahil naniniwala siyang napakamabisang medium ang filmmaking sa paghahatid ng mga kuwentong kapupulutan ng inspirasyon at pag-asa ng ating mga kababayan lalo na panahong dumaranas ang bansa ng iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Sa ikatlong edisyon ngayong taon,tinanghal na best film ang Ka Dodoy nina Meg Seranilla at Mark Aposaga. Wagi rin ito ng best cinematography at Ayala Foundation Community Deve-lopment Award. 1st Runner naman ang Maglabay Ra In Sakit ni Mijan Jumalon na siya ring nag-uwi ng best editing award samantalang ang Litratista ni Allan Lazaro ang nagwaging second runner up at best director award.Ang crowd favorite na Yapak ni Romel Mondragon Lozada ang napiling People’s Choice Awardee. Ang Modern Day Hero ni Roy Robert Rusiana ang nanalong OVP Special Awardee.

Nagsilbing hosts sina Dingdong Dantes at Iza Calzado sa ginanap na Gala Night and Awarding Ceremony nu’ng Sabado, June 8 sa Cinema 7, Trinoma. (Archie Liao)