Di umubra ang katigasan ng ulo ng mga taga-Rizal nang dakpin ang mga ito.

Ilan sa mga dinakmang pasaway sa pinaiiral na general community quarantine sa Rodriguez, Rizal ay ang mga gumalang walang quarantine pass.

Maging ang mga motorsiklong may mga angkas at mga tricycle na higit sa isa ang sakay ay pinagdadampot ng mga awtoridad.

Muling pinaalala ng Rodriguez Police Station, na bawal pa ring lumabas ang mga senior citizen at lahat ng edad 20 pababa. Maging ang liquor ban ay pinaiiral pa rin sa mga bayan ng Rodriguez at San Mateo sa Rizal.

Kaugnay nito’y marami ring pasaway sa Antipolo City ang dinampot sa unang dalawang araw ng pagpapatupad ng GCQ.

Kabilang sa kanilang paglabag ay ang paglabas ng walang bitbit na permit at hindi pagsunod sa social distancing.