Dadagsa ang mga sabong fan na pipila sa Imus Sports Arena (ISA) sa Cavite para sa sagupaan ng mga derby champ sa “MB Birthday Invitational 6-Cock Derby” (100 sultada) bukas, Martes.

Pasabong ni Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano at suportado ng Excellence Poultry and Livestock Specialist, Inc., tampok dito ang mga kampeon ng World Slasher Cup, Bakbakan 12-Stag National Derby, Digmaan National 11-Stag Derby at iba pa.

Nasa unahan si Chris Copas ng Bowling Green Kentucky, USA, ang 2019 WSC 1 solo champion (CPB and Cris, 9 points).

Bibida ang “Champions of Excellence” sa Luzon, sa pangunguna ni two-time World Slasher Cup champion Biboy Enriquez kasama sina Doc Ayong Lorenzo at Dante Hinlo, solo runner-up sa 2017 WSC 1.

Kakasa sina Jeff Acosta at Manuel Espinosa (Gold Creek CGBA), kampeon sa 2019 National Bakbakan 12-Stag Derby gayundin si Digmaan champ Momoy Adams.

Kursunada ni Berbano ang entry ni Jun Magsayo, na nagpahiram ng stags kay Gerry Ramos para sa runner-up finish sa 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag Derby at Leo Enriquez ng Wild Creek Farms, multiple champion ng NCA circuit derby.

Kasali rin sina Donny Halley at Jimmy Holland ng Kentucky, Erik Rosales ng California, Tim Fitzgerald ng Utah, Butch Cambra at Jaymark Corpus ng Hawaii, Jeyshie Dimafelix, Mike Macalalad, Doyet Lapido, Carreon brothers, Jawo Agdalipe at Juancho Aguirre Jr.

Join din sina Jun Jomecillo, Jonathan Oracion of Baguio, Prime Feathers team, Jose Raymond Apostol, Chris Sioson, Galen Pacturan, Jun Magsayo, Jimmy Lim, 2018 Digmaan champ Richie Obordo at Carlos Tumpalan. (Enjel Manato)