Mga congressman, mayor at councilor suki ng casino -Bato

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na maraming congressman, mayor, councilor, barangay captain at iba pang opisyal ng gobyerno ang nawiwili sa pagsusugal sa mga casino sa bansa.

“Marami akong nakikita dito na nagsusugal na mga government official na barangay captain, congressman, mayors at councilor,”pagsisiwalat ni dela Rosa.

Dahil dito, pumasok sa isang kasunduan ang PNP sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) upang pagbawalan pumasok sa casino ang mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Magpapaskil din sila ng signage sa labas ng Solaire Resort and Casino, Resorts World Manila, Okada, City of Dreams at Pavillion Hotel para pagbawalan ang mga opisyal ng gobyerno.