Kung ang kaseksihan ni Mica Javier ang babalandra sa iyong mga mata, makakaramdam ka ng summer heat sa katawan. Kahit pa nag-aagaw ang init at lamig sa panahon ng winter.
Napakainit ng dating ng alindog ni Mica na puwedeng gamiting pampakulo sa pagluluto ng sabaw.
Magkakamalisya ang lahat ng mga lalaki sa pagsilip sa buong katawan niya sa basang-basa niyang kasuotan.
Animo’y isang pinakamasarap na hayop sa balat ng lupa ang dating ng kaseksihan ni Mica.
Unang-una, taglay nito ang ganda ng isang Pinay na mahirap nang makita sa mga naglipanang mestisahing showbiz personalities sa lokal na aliwan.
May kakaibang sipa ang ganda ni Mica na daig pa ang tadyak ng kabayo. Nakakayanig ng buong kalamnan.
Siya ang klase ng babaeng nanaisin mong laging nagpapakita ng balat dahil sa kanyang magandang complexion.
Kaya nga proud si Jay R sa nasabing fiancée niya dahil sa loaded na mga katangian nito na gorgeous, animalistic at ma-appeal.
Wala nang hahanapin pa ang sinuman sa halos perfect na karakter ni Mica. (Rey Pumaloy)