Mica, kabogera ang aria

OFF to a good start ang The Voice Teens.

So far, ang pinaka-favo­rite ko rito ay ang “historic” ope­ra moment ni Mica Becerro.

Kabogera ang teenage Queen of the Night’s Vengeance aria mula Magic Flute ni Wolfang Amadeus Mozart ang kanyang kinanta sa blind audition.

Four-chair turner si Mica. Unang umikot si Bamboo, na sinundan agad ni Lea Salonga.

Tapos si Sarah Geronimo at huli si Sharon Cuneta.

Standing ovation ang judges, pabibuhan na sila kung paano kukumbinsihin ang dalagita na sila piliin.

Ang audiences, manghang-mangha at hangang-hanga kay Becerro.

Una kong narinig ang ariang ito sa concert ni Lani Misa­lucha sa Valentine concert niya nung isang taon sa Las Casas Filipinas de Acuzar.

Bumagsak ang panga ko sa paghanga sa Asia’s Nightingale.

Kwento ni Sir Pablo Tariman sa kanyang FB post, “The aria was heard nightly at the CCP in a 1983 production of Mozart’s Magic Flute directed by the venerable Sarah Caldwell.

The soprano was a la­d­­y from Cavite.

“I am glad Mica chose Lea Salonga in the jury.

“She emphasized the importance of classical technique among young sin­gers and that opera should not be treate­d as a joke.

“Her narration of her own story about how she saved her voice with classical technique was the night’s biggest lesson on singing.”

Pinakanta rin ni Sarah ng pop song si Mica at juice colored!

Kaylamyus-lamyos ng boses. Ang sarap pakinggan.

With this kind of contender at sure na marami pang mahuhusay na teens na mapipili, magi­ging weekend viewing habit at ratings winner ang The Voice Teens.