HAVEY: Havey ang kamag-anak ko na si Arman Ferrer, isang classically-trained singer-performer na nagbida na sa mga musicals tulad ng Mabining Mandirigma at ilang Disney at musical specials.
Siya ang naatasang gumanap sa papel na Julio Madiaga, ang nag-iisang male lead na walang ka-alternate sa Maynila Sa Kuko Ng Liwanag.
Una nang kinonsidera sina Michael Pangilinan at Sam Concepcion sa role pero hindi sila umubra.
Ang isa pang aktor ay nilapitan para mag-lead, kaso, sagasa rin sa schedule sa isang teleserye.
Kaya ang powerful na boses ni Arman ang maririnig sa musical version na siyang may hawak ng mahihirap na kanta.
He has to deal with 2 Ligaya-leading ladies na magka-alternate kaya magkaibang dynamics ang kanyang bubunuin.
The good thing about Arman is he is very passionate in the things that he does kaya alam niyang napakataas ng expectations sa kanya sa musical na ito.
Could he have agreed to the daring gay scenes kung isinama pa ‘yung eksenang iyun sa musicale?
“Mas dobleng kayod pa siguro para magpaganda ng katawan, pero kung pagiging daring rin lang, kaya naman!” sabi ni Arman na hindi umuurong sa mga hamon ng musika at entablado.
***
WALEY: Waley mga istorya ng kabadingan sa musicale ng Maynila Sa Kuko Ng Liwanag.
Ito ang sabi ng direktor na si Joel Lamangan sa materyal na award-winning novel na naging pelikula, tapos naging straight play sa CCP, hanggang sa maging musicale na ipapalabas sa September 30 hanggang sa October 6.
“Nag-stick kami sa character na gawa ni Edgardo Reyes, at ‘yung mga eksena nina Jojo Abella at Manny Castañeda ay idinadagdag na lang ni Lino Brocka para sa pelikula,” ani Direk Joel.
“Kasama ng Grand Leisure and Bulawagang Gantimpala, medyo nakakasenti dahil unang pelikula ko rin bilang artista ay Maynila Sa Kuko Ng Liwanag, kaya mahalaga itong theater piece na ito.”
Lahat ng cast members led by Arman Ferrer (Julio Madiaga), Shiela Valderrama & Lara Maigue (Ligaya Paraiso) pati na sina Aicelle Santos at Rita Daniella, Dulce at Ima Castro pati na sina Rafa Siguion-Reyna at Khalil Kaimo ay hindi nakapalag sa grabeng training sa sayaw na itinuturo sa kanila ni Douglas Nierras na in-charge sa choreography.
“Siraan ng sapatos at siraan ng tuhod ito,” sabi nina Ima at Dulce.
“Pero very Filipino at very inspiring ang forms ng music. Very current ang vibe,” sabi ng taga-gawa ng musika na si Von de Guzman.
Ano ang mabibitbit ng mga manonood sa Maynila pag-uwi nila?
“Hindi pa rin nag-iiba ang sitwasyon ng 1970s. Marami pa ring mga babaeng pinagsasamantalahan, may nagsasamantala, maraming tanga. ‘Yun pa rin nangyayari hanggang ngayon,” sabi ni Direk Joel.
“Hindi pa rin nagbabago ang mga katotohanan at problema noong 1970s na nangyayari pa rin ngayon. Exploitation still exists.
“Ang nag-iba lang ay ang costume,” matapang na pagdidiin ng Star Awards Lifetime Achievement Awardee na si Direk Joel Lamangan.
***
WEHHHHH: Speaking of hamon, gaano katotoo na isa sa mga cast members ng Maynila Sa Kuko Ng Liwanag, The Musicale ang naging mapanghamon at naging sanhi ng hiwalayan ng dalawang artista sa teatro na mahal namin?
Nakilala namin ito na may boyfriend mula sa school na pinag-aaralan niya — pero paano niya nagawa pang sumingit sa relasyon ng isang theater couple at nagpaka-chummy-chummy sa boyfriend na mahusay sa musika?
Tahimik na binuno ito ng girlfriend na galing sa angkan ng mga politiko at artista.
In fairness sa girlfriend, hindi ito nag-eskandalo nang mahuli niyang nilalandi ng third party ang kanyang boyfriend.
Credit the girlfriend at kung tutuusin, puwede niyang ireklamo ang naturang third party sa kanyang mga kamag-anak na showbiz at media bigshots.
Pero hindi niya ito ginawa.
Nakalusot ang third party sa Maynila dahil produced ito ng isang independent theater group, pero kung sa mainstream at traditional theater circuit siya papasok, eh medyo matinding butas ng karayom ang dadaaanan niya dahil karamihan ay nakikisimpatiya sa mabait na girlfriend na naagrabyado sa pang-entra ng third party sa eksena.
Nakakairita ang nangyari.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.