Michael V kabaliwan ang project

Michael V kabaliwan ang project

Isa sa mga paboritong panoorin ng diva that you love basta nasa bahay ang beauty ko ng late Friday night ay ang “Bubble Gang”.

Type na type ng diva that you love ang mga spoofs at gags na tampok nila every Friday night, lalo na ‘yung medyo may political ang dating.

Kasi naman very current ang approach ng “BG” sa comedy, salamat sa kanilang very talented creative heads na sina Chito Francisco at Caesar Cosme.

Para sa 24th anniversary presentation ng gag show, ang handog nila ay ang two-part superhero telemovie special na “The ScAvengers” na, very obvious naman na spoof ng very successful movie franchise na “The Avengers”.

“Medyo baliw at ambisyoso ang project na ito,” sabi ni Michael V sa press payanig ng “Bubble Gang” kahapon.

“Sa totoo lang, laro lang ang gusto namin and yet gusto naming ipakita na kahit naglalaro, ‘yung quality hindi mawawala. So this time around, it’s a visual treat na talagang sa teaser pa lang ay gugulatin namin kayo.”

Dahil lagi silang may bagong audience, sabi ni Bitoy na importante na mayroon silang laging bagong ipakikita sa show. Marami na ang mga bagong supporter ng “Bubble Gang”, lalo na sa mga millennials kaya the cast members and the production team ay dapat may laging ready to innovate.

Ayon pa kay Bitoy, matagal na nilang plano na gumawa ng spoof ng sikat na superhero movie. So ano pa ba ang best na gawan ng spoof kundi ang very successful na “Avengers”, hence “The ScAvengers”.

Umani na nga agad ng papuri ang teaser ng telemovie nang ito ay lumabas sa social media.

Pang-apat nang taon ni Bert de Leon bilang direktor ng “Bubble Gang” at ang masasabi lang niya, “Mas maganda ito sa special namin last year.”

Ipalalabas ang “The ScAvengers” sa Nov. 15 at 22. (Alwin Ignacio)