Michelle nagpatikim sa Binibining Pilipinas 2018

michele-gumabao

“STEPPING out of my comfort zone, breaking rules and redefining stereotypes! Change is always the beginning of something better  #GumabaoForTheCrown,” mababasang tweet ng volleyball superstar na si Michelle Gumabao.

May kaugnayan ito sa pagiging official candidate niya ng Binibining Pilipinas 2018.

Sabagay, nu’ng huling makapanayam namin siya ay sinabi niya na isa sa dreams niya ay maging beauty queen.

Sobrang kaba ang nararamda­man ni Michelle sa pagsali sa Bini­bining Pilipinas. Pero nagpapa­salamat siya sa mga netizen na nagbibigay ng suporta at pagma­mahal.

Kahit ang green fandom (tagahanga ng mga Lasalista) ay buo ang suporta na ibi­nibigay sa kanya. Sila ang nag-iingay sa Twitter world na may hashtag na #GumabaoForTheCrown.

Marami ang nagtakam kay Michelle sa patikim niya at pagsuot ng two-piece blue swimwear sa media launch ng nasabing beauty­ pageant.

Si Michelle ay kilalang anak ng actor na si Dennis Roldan at pamangkin ni Isabel Rivas. Kapatid niya ang young actor na si Marco Gumabao. Last year ay pumirma sila ng kontrata sa Viva Artists Agency kasama ang sister nilang si Katarina.