Michelle payanig ang tindig

Kahit talunan si Michelle Dee sa nakaraang Miss World 2019, hindi natapos ang karera ng dalagang anak nina Melanie Marquez at Derek Dee.

Mas maalindog at mas matapang ang appeal niya ngayon sa mga naglalabasang mga fashion pictorial nito.

Parang bagyong Ursula na nagparamdam nitong nakaraang Pasko ang kaseksihan ni Michelle.

Nakaka-wow ang alindog niya sa one-piece black bathing suit na suot nito.

May kakaibang panghalina ang kariktan ni Michelle na kahit ang ibang beauty queen ay nayayanig.

Kung humakot ng papuri noon ang mga fashion pictorial ni Melanie, mas may tapang ang pagpapa-sexy ni Michelle sa mga swimsuit edition pictorial nito.

Akala ng lahat, lalamlam ang alindog ni Michelle dahil hindi siya napasok sa Top 5 ng Miss World, pero umpisa pa lang ito sa mas lumalaban niyang ganda at sex appeal.

So, alam na natin na sa 2020, isa si Michelle sa mananalasa sa social media.

Ang kanyang kagandahan at kaseksihan ay puwede niyang ibalandra sa fashion world. (Rey Pumaloy)