Michelle panalo ang sex appeal

NI: Nonie V. Nicasio

Kakaiba ang lakas ng rehistro ng beauty queen-actress na si Michelle Dee.

Makikita sa kanyang Instagram post ang matindi niyang alindog . Umaapaw ang sex appeal ng magandang anak nina Melanie Marquez at Derek Dee.

Very refreshing ang angking ganda ni Michelle. Mula sa kanyang wow na wow na legs, makurbang katawan, at magandang mukha, materyales fuertes itong maituturing.

Kapansin-pansin din na sossy ang taglay na beauty ni Michelle.

Siya ay graduate ng BS Psychology sa De La Salle University. Itinanghal din siyang Miss World Philippines noong 2019.

Mag-iinit at mabubuhay ang dugo ng sinomang lalaki na makakasilip sa kariktan ni Michelle. Siya ang klase ng babeng hahanap-hanapin ang alindog ng maraming barako.

Ang kanyang malakas na dating sa opposite sex ay sapat para maging aligaga ang mga barako.

Ang tipo ng beauty ni Michelle ang type na type pagpiyestahan ng mga kalalakihan. Walang hot blooded male ang magsasawa sa kanyang taglay na alindog.