Miciano, Mordido makikipagsabayan

Pinoy chesser tuloy ang sulong sa labas

Nakatakdang buksan kahapon (Miyerkoles) ng anim katao pambato ng bansa sa pangunguna nina International Master John Marvin Miciano at Woman IM Kylen Joy Mordido ang kampanya sa 1st Asian Juniors and Girls Online Chess Zonal Championships.

Sina Miciano, 19, ng Davao City, at Mordido, 18, ng DasmariƱas City, ang mga nagkampeon sa 2020 National Juniors & Girls Rapid Online Chess Championships Grand Finals na dinaos noong May 12-14 ng National Chess Federation of the Philippines.

Ang apat pang PH bet sa isang linggong woodpushing na abutin ng Hunyo 2 ay sina IM Daniel Quizon, Eric Labog Jr., Woman Fide Masters Allaney Jia Doroy at Jerlyn Mae San Diego.

Makakatapat ng mga Pinoy at Pinay woodpusher ang mga delegado ng Vietnam, Malaysia, Indonesia, Singapore, Thailand, Mongolia at Myanmar sa Zonal na pagkukunan ng Asian grand finalists. (RC)