Ang frontman ng Rolling Stones na si Mick Jagger ay bumalik na sa entablado. Nag-perform siya sa Soldier Field Stadium, Chicago, Illinois matapos siyang maoperahan sa puso noong Abril sa New York. Sumailalim sa heart valve replacement ang 75-year-old singer na naging dahilan ng delay ng concert tour ng banda.

Inawit nila ang kanilang mga sikat na awitin katulad ng “Street Fighting Man” na siyang opening number ng grupo at sunod nilang inawit ang “Let’s Spend the Night Together” sa kanilang unang pagsabak sa concert scene.
Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Mick na makitang malusog at masigasig ang frontman ng Rolling Stones.

Para sa isang taong katatapos lang sumailalim sa isang operasyon ay ikinagulat ito ng kanyang mga tagahangang nanood ng concert. Walang keber ito sa pagtakbo-takbo sa makitid na entablado na tulad ng dati ay maliksi pa rin at ganadong-ganado.

“It’s great to be back at Soldier Field — for the eighth time,” sigaw ni Jagger sa excitement bago niya awitin ang kanyang ikatlong song number, ang “Tumbling Dice”.

“I don’t do it all the time, (like) 12 months a year,” dagdag niyang sinabi sa kanyang au­dience.

“When you’re young, that’s what you do. (Today, I) spend three or four months on the road in a year and that seems to be quite a good balance.”
Sa pagpapatuloy ng tour ay iikutin ng award-winning band ang ilan pang mga lugar sa Amerika at Canada. (Lourdes Fabian)