Mid-rise residential building sa informal settlers sagot sa baha

Upang maresolbahan ang problema sa baha sa Metro Manila katulad ng naranasan sa mga nakaraang araw, kailangang magpatayo na ang gobyerno ng mga mid-rise residential building para mai-relocate na ang mga informal settlers families.

Ito ang iminungkahi ni House committee on national housing chairman Rep. Alfredo Benitez kasunod ng naranasan muli ng Metro Manila ang matinding pagbaha sa ilang araw na pag-ulan.

Hindi, aniya, naresolba ang problema sa baha sa Metro Manila kaya ang tanging solusyon, aniya, ay magpatayo ng mga gusali na paglilipatan sa mga ISF sa mga lupang pag-aari ng mga Local Government Units (LGUs) o national government sa loob ng lungsod mismo.