Sasamantalahin nang mainit na si Chris Middleton at Team USA ang malamig na Japan sa salpukan mamayang ala-8:30 ng gabi sa 18th FIBA World Cup 2019 sa Shanghai Oriental Sports Center sa China.

Isa si Middleton sa umaangas para sa defending champion Americans, kabilang ang ang clutch shots upang matakasan ang Turkey sa 93-92 overtime nitong Martes at solo lead sa prelims Group E, kalakip ang paniguradong Sweet 16 spot.

Kukuha rin ng lakas si coach Greg Popovich kina Kemba Walker, Joe Harris at Myles Turner na gumawa ng double-digit game laban din sa Turkish.

Unang winasak ng mga Kano ang Czech Republic nitong Linggo, 88-67.

Kahit dehado man ang Team Japan, maaring samantalahin ang pagkawala ni Jayson Tatum na na-sprained left ankle sa last game.

Babawi si Rui Hachimura mula sa pagkakapos sa double-double 15 points at 7 rebounds sa huling salang at baka sakaling makasilat kahit suntok sa buwan .