Mighty pasado sa unang sabak

Nagsipagsalpak ng twin-digit scoring sina Korean Basketball League veterans Dewarick Spencer at Troy Gillenwater, at former PBA campaigner­s Hamadi N’Diaye at Zach Graham upang galamayin ang Philippines-Mighty Sports Apparel sa pagtumba sa Chinese-Taipei Blue, 89-81, kagabi sa 38th Jones Cup International Men’s Basketball Tournament 2016.

Sa ganadong pagtsi-cheer ng Filipino crowd na hindi nagpasapaw sa Hsinchuang Gymnasium sa Taipei City, Taiwan, nagpader si Spencer ng 27 points, nagdilig si Gillenwater ng 19, dumale si N’Diaye ng 13 at kumana si Graham ng 12 para sa masigabong start ng bansa sa nine-team, eight-country, nine-day tournament.

Tokang makasalpukan ng PHL squad mamayang alas-singko ng hapon ang South Korea.

Walong sunod na araw, walang pahingang pukpukang laro ang susuungan ng PHL-Mighty Sports na misyong mabawi ang koronang huling naiuwi ng mga Pinoy apat na taon na ang nakaraan.