Humahamig na ng may isang milyon likes ang pinakabagong ‘migrane pose’ na Itinuturing na trend ngayon sa Instagram.
Ang naturang ‘migrane pose’ ay isa sa signature pose ng American model na si Bella Hadid na ngayon ay itinuturing na ‘selfie sensation’.
Kering-Keri ni Bella ang naturang pose na nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang side ng ulo kaya naman kaliwa’t kanan ang gumagaya dito.
Simpleng simple lang ang naturang pose hindi mo kinakailangan na banatin mo nang todo ang iyong balat kundi landian mo lang ng konti at samahan ng konting facial expressions at presto may bago ka ng self portrait na pose sa social media.
Puwede mo rin itong lagyan ng mga feather light touch at magkakaroon ka na ng bonggang selfie.
Ang naturang migrane pose ay trending na rin ngayon sa mga celebrity sa Pilipinas.