Migrant Workers’ Day

Usapang Ofw ni Chingbee

Super hectic ng linggo na ito para sa OFWs kaugnay ng selebrasyon ng Migrant Workers’ Day.

Actually, mas angkop na tawagin na Migrant Workers’ Week dahil sa naka-line up na activities.

Sa flag-raising sa POEA kahapon ay naka-schedule ang introduction ng isang libro sa Philippine migration, habang nag-line up naman ang TESDA ng Bread and Pastry Making at Barista NC II training.

May personal pampe­ring rin sa free massage, manicure at pedicure sa mga magpapartisipa.

Actually, mas interesado tayo na makakuha ng kopya ng nasabing libro na nagdi-discuss sa Philippine migration. Promise na we will discuss that book one of these days, okay?

ASEAN workshop

Ngayong araw, June 6, ay magsisimula naman ang tatlong araw na ASEAN Regional Workshop on Effective Investigation and Prosecution of Trafficking in Persons for Labor Exploitation.

Layon ng forum na mapaigting ang prosekus­yon ng trafficking in persons, kabilang na ang illegal recruitment ng OFWs.

To this day, mala­king problema pa rin ang illegal recruitment lalo na iyong gumagamit sa southern backdoor ng Pi­lipinas  ang Mindanao  bilang exit point.

Trafficking

Ngunit ang pinaka-highlight ng Migrant Workers’ Day ay magaganap bukas, June 7, sa POEA main office pa rin sa Mandaluyong kung saan pasisimulan ng Bagong Bayani Foundation ang search para sa 2018 Bagong Bayani Awardees.

Ilang bangko at mga pribadong grupo na involved sa deployment ng OFWs ang nag-volunteer na mag-provide ng pagkain, entertainment at raffle prizes.

Sa June 9 naman ay magkakaroon ng isa pang forum sa Mall of Asia naman sa pagitan ng POEA, International Labor Organization at iba’t ibang law enforcement agencies.

Join na again, ang pagsawata sa human traffic­king at illegal recruitment ang tatalakayin sa nasabing forum.

So sa OFWs at would-be OFWs, join na sa festivities in celebration of Migrant Workers’ Day.
Mag-enjoy at higit sa lahat ay magkaroon ng kaalaman upang hindi mabiktima ng illegal recruitment.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.