Miguel Tanfelix, si Bianca ang ka-birthday date!

bianca-miguel

Kinilig ang maraming BiGuel fans nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali nang magkasama ang dalawa noong nakaraang September 21 na siyang birthday ni Miguel.

Nagbigay ng very sweet na birthday wish at message si Bianca sa kanyang ka-loveteam.

“Happy happy birthday. God bless you, and I am more than happy to be the Bianca Umali of Miguel Tanfelix,” ngiti pa niya.

Isang pair of shoes daw ang regalo ni Bianca sa kay Miguel.

“Binigyan ko siya ng shoes, ‘pag nag-gi-gift ako gusto ko ‘yung magagamit talaga. Hindi ‘yung isang beses lang magagamit. Kaya shoes ibinigay ko kasi alam ko magagamit niya palagi,” diin pa ni Bianca.

Pagkatapos ng Mulawin vs. Ravena, pelikula naman ang gagawin ng BiGuel loveteam.

Kasama sila sa comedy na Barbi, The Wonder Beki na pagbibidahan ni Paolo Ballesteros.