Migz Haleco, clueless sa tsikang ‘buntis’ si Maya

HINDI kami sure kung nasa ibang bansa pa si Perry Lansigan ng PPL, kaya hindi pa kami nasagot kung totoo ba ang lumabas sa isang blog na nagtatanong kung buntis ba itong singer na si Maya na girlfriend ni Geoff Eigenmann.

Si Maya ang dating ka-partner ni Migz Haleco na hina-handle din ng PPL Entertainment.

Nu’ng nakarang linggo lang ay ini-launch na ni Perry ang 22 y/o na si Migz bilang solo artist.

Wala na ang tandem nina Migz at Maya. Iyun ang pakay nila na eventually ay magkanya-kanya sila.

Pero si Migz lang ang ini-launch bilang solo ar­tist kasabay ng pagpirma nito sa Star Music. Hindi raw niya alam kung kailan si Maya.

Inintriga namin si Migz kung may selos ba si Geoff kaya pinaghiwalay na sila ni Maya.

“Wala naman,” mabilis na sagot ni Migz.

“Ang target naman ng management, gawin kaming solo. Pero natuwa sila nang magsama kami sa isang show. Kaya pinag-duo muna kami bago kami mag-solo.”

Wala raw dapat pagselosan si Geoff.

Wala na raw silang communication ni Maya.

Malapit na rin siyang mag-graduate sa College of St. Benilde ng kursong Music Production.