MUSIC Production graduate sa College of St. Benilde si Miguel Haleco a.k.a Migz.

Nakilala siya online sa kanyang song covers sa YouTube.

Sumali siya sa isang TV network talent search.

Si Angeli Mae Flores a.k.a Maya ay kasama noon sa Pan-asian girl group na Blush.

Naging grand finalist siya sa Star for A Night kung saan nagwagi si Sarah Geronimo.

Nagsama sina Migz at Maya bilang acoustic duo, at nga­yon ay may self-titled album na sila sa Star Music.

“Isang itong ‘dream come true.’ We are very honored, fortunate, and privileged,” sabi ni Migz.

Pahayag ni Maya, “We feel a good kind of pressure on our side too, kasi kailangan naming ibigay ang best naming para mapabilib at mapatunayan ang mga sarili namin sa mga taong susuportahan at papakinggan kami.”

Ang Migz and Maya (P199 ang halaga) ay koleksyon ng acoustic at easy-listening na original songs at covers, kabilang na ang Ambon, pati na ang carrier single na Hibang, na mula sa Himig Handog P-Pop Love Songs Top 100.

Kasama rin sa album ang relaxing versions nila ng Stay, One More Chance, Suntok sa Buwan, Paano Na Kaya, Ipagpatawad Mo, Paano Ba Magmahal, at Lihim na komposisyon ni Migz.

Mismong ang dalawa ang pumili ng mga kanta sa album.

Ani Migz, “We want people to feel as at ease as the album itself. Sobrang easy listening at relatable­ siya.”

Ayon naman kay Maya, “Isa siyang love story na alam na­ming marami ang ma­ka­ka-relate.

Sana, madala namin sila sa isang rollercoaster ride ng pag-ibig.”

***

Sa mga male bikini open, paminsan-minsan ay may isa o dalawang kasali na mapangahas at walang kiyeme latik na mag-one side bikini.

Sa Search for ONE-SIDE Bikini King na nakatakda sa September 24, Sabado sa One 690 (#39 Roces Avenue, Quezon City), lahat syempre ay magwa-one side.

Pak! Ganern!

Sa unang teaser nito na naka-post sa YouTube channel na ‘Hamog­ sa Hamog’ ay pito pa lamang ang tampok.

Abangan ang second teaser­ kung saan may dagdag na lima pang bikini boys na tukso sa marurupok na Sirena at Diwata.

***

Kakaiba ang goals ni Bea Binene dahil it shows how dri­ven she is.

After learning Wushu, pistol shooting naman ang target niya, base sa kanyang posts sa Instagram.

Recently, nag-share pa si Bea ng dalawang clips ng drills niya. Mara­ming netizens ang humanga sa lakas ng loob ni Bea to try new things.