Sa pag-angkla nina Mika Aereen Reyes at Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro, asahang walk-in-the park ang ninth straight win at 11th overall ng Petron kontra sa inaalat pa talagang Marinerang Pilipina sa 7th Philippine SuperLiga All-Flipino Conference 2019 prelims 2 ngayong Martes sa Muntinlupa City Sports Center.
Madaling dinispatsa ng mga alagad ni Blaze Spikers coach Cesael ‘Shaq’ delos Santos na nasa segunda (10-1) ang Lady Skippers sa prelims 1 nitong Hunyo 20, 25-21, 25-16, 25-10, kaya sobrang patok sa bagong saltang koponan sa alas-4:15 ng hapong hambalusan.
‘Di pa nakakatikim ng panalo sa 12 matches mga bataan ni MP coach Ronald Dulay na nasa ilalim ng standings sa 8-team, midseason women’s volleyfest.
Mangunguna sa laban ng L’Skippers si Judith Abil na kumasa ng siyam na puntos sa unang pakikihamok ng team niya sa two-time defending champs Petron.
Sa alas-7:00 ng gabi ang komprontasyon ng nasa fifth spot Cignal (6-6) at running-sixth PLDT Home Fibr (4-7). (Abimelech Dawa)