
525K na ang followers ni ETHEL BOOBA sa Twitter. Eh kasi naman, pampa-good vibes ang mga tweet niya!
“Salbabida na po ang kailangan sa ibang daanan. Safety first. Charot!”
“Kaya nagagalit sa inyo ABS-CBN si Tatay Digong kasi hanggang ngayon di nyo ginagawan ng project together sina Judy Ann at Claudine. Charot!”
“Balik nyo samin ang Balangiga Bells kapalit ay ayusin namin ang lyrics ng inyong Jingle bells OWAPAN IRISTURAY INAWAN ORS OPENSLEY. Charot!”
***
Nakita ni Mikael Daez ang ‘stunning aura’ ni Glaiza de Castro nang magkasama sila sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na mapapanood bukas sa GMA 7.
Favorite scene ni Mikael ‘yung first meet up nila ni Glaiza. Aniya, “I found her kinda cute! Hoping to work with her more in the future.”
***
Sa pagpapatuloy ng 2nd anniversary celebration ng Sunday PinaSaya bukas, makikipaglaban si Glaiza de Castro kay Jose Manalo sa MANG JOSE segment.
Ang babaeng bida sa Kita Kita na si Alessandra de Rossi, tuturuan ni Coach Cynthia sa MASTER ACTING class.
Makikilala rin ang tatanggap ng PUSO NG SAYA award na isang batang guro na ginagamit ang pagpapatawa sa kanyang mga estudyante para mas maging interesado ang kanilang klase.