Sobra ang kasiyahan at pagmamalaki ni dating equestrian star Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworski sa natamo ng isa sa tatlong anak na lalaki, si Rafael Joseph o ‘Raf’.

Ibinahagi kamakalawa ng 2002 Busan Asian Games gold medalist at International Olympic Committee (IOC) representative to the PH ang kanyang emosyon nang mapabilang si Raf sa Brent International School Manila 2020 graduating class.

“We are grateful for your heart that yearns to be close to the Lord, and that acknowledges your many blessings, in spite of missing out on many things you were very much looking forward to in your senior year (Darn you COVID-19!),” anang former equestrienne sa kanyang IG post.

Hinirit pa niyang malayo ang mararating ng anak nila ni ex-Philippine Basketball Association (PBA) player Robert Jaworski Jr. , pinayuhan itong huwag kaligtaan ang mga huwarang kaibigan, at ang mga natutunang aral at alaala sa Brent patungo sa tatahaking ambisyon.

“Daddy, your brothers, and lots of others like us who love you and care about you will always be here to support you on your continuing journey! We love you, Raf! #classof2020,” panapos na mensahe ng ina ni Raf. (RC)